Ito ay hindi mga ordinaryong pagsusulatan. Sapagkat bawat sulat na mababasa mo ay kapupulutan ng ibat-ibang aral at reglas na dapat matutunan ng bawat isa sa atin o maging isang pamantayan upang maging isang huwaran na mamamayan.
Sa panahon ngayon, masasabi nating sadyang malaki na ang pagbabago sa kaugalian ng bawat Pilipino. Iilan na lamang sa atin ang mga sumusunod sa mga matatandang kautusan. Ilan na lang ba sa mga kababaihan ngayon ang masasabi mong parang si "Feliza"? May mga kalalakihan pa bang halintulad kay "Amadeo"? o mga kabataang katulad ni "Honesto"? Kung meron man, kakaunti na lang siguro.
Ito ang isa sa nagustuhan kong winika ni Urbana sa kanyang mga kapatid:
Sana magkameron ng pagkakataon ang iba pa na mabasa ito. Madami talaga tayong matututunan. Madaming magagandang punto si Padre Modesto,lalong-lalo na sa kaasalan sa sarili, sa pakikipag kapwa-tao, sa salitaan, pagiibigan, pagaasawa at mga aral ng ina sa mga anak na dalaga."Huwag ipapanhik ang nakikita sa kapwa tao at sa ating bahay naman ay huwag ipapanhik ang nakikita sa eskwela, sa lansangan at sa bahay ng iba, lalo na kung nauuwi sa paninira nang puri."
At kung mababasa man ng iba ito, tandaan natin ang isa pang bilin ni Urbana:
"Ibig ko disin, na ang mga sulat kong ito ay basahin mo, huwag minsan-minsan kung hindi ang maminsan-minsan, sapagkat, kung minsan-minsan lamang, matalastas man ang kahulugan ay madaling makalimutan; kung basahin tuwi-tuwina, may malimutan man ay naaalala, at ang nakaligtaan sa unang pagbasa ay maaaninaw sa ikalawa; ang di nagandan nang una, ay mapagaralan sa huli, kaya ipinamamanhik ko na basahit-basahin."
☆☆☆☆☆
No comments:
Post a Comment