Ang "Sa Ano Nabubuhay Ang Tao" ay isang orihinal na akda ni Leo Tolstoy na isinalin sa tagalog ni Sofronio G. Calderon.
Ang kathang salaysay na ito ay tungkol sa isang mahirap na magsasapatos na ang ngalan ay Semel na namumuhay kasama ang kanyang asawang si Matrena at ang kanilang mga anak. Umikot ang istorya ng dumating sa buhay nila si Mikhail na minsang tinulungan ni Semel. Si Mikhail ay isang masipag, mabait, matulungin at tahimik na tao. Pero SINO NGA BA TALAGA SIYA? Ano ang misteryong nababalot sa kanyang katauhan? Napangiti ako ng mabasa ko ang kasagutan sa aking katanungan. Isang napakagandang pagpapahayag!
Labis akong nasiyahan dahil sa pagbabasa ko ng aklat na ito,ako ay may natutunan.Kung bakit tayo nabubuhay. Para sa ano. Para kanino. At ang napakasimpleng kasagutan ay dahil sa PAGIBIG. Pagibig sa Diyos, sa sarili at sa kapwa tao.
Isang napakagandang awitin ang masasabi kong sumasalamin sa mensahe ng kathang salaysay na ito. Ito ay ang "Diyos ay Pagibig" Hayaan ninyong ibahagi ko ito sa inyo.
Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso't kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa
Napakasarap talagang mamuhay ng puno ng pagibig. Sana ay madami pang makabasa ng salaysay na ito. Sigurado akong magugustuhan nyo din kagaya ko.Pag-ibig ang siyang buklod natinDi mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magkawalay
Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibigMagmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
☆☆☆☆☆
No comments:
Post a Comment