Hindi ko maiwasang maluha (Oo, naluha talaga ako) habang nagbabasa. Isang malaking sampal sakin ang mga nabasa ko. Apektado talaga ako, kahit pa alam kung totoo naman ang mga ito. Hindi ako Nasyonalistang tao, pero masakit para sakin ang lait-laitin at sabihan ng hindi magagandang salita ang bansang sinilangan ko.
Pagkatapos ko itong mabasa, ako'y napaisip. Tuluyan na ba talagang nilamon ng baluktot na sistema ang ating bansa? Nang maling paniniwala? Sino nga ba ang dapat natin sisihin sa nangyayari satin ngayon? Ang mga opisyal ng gobyerno o ang mga sarili natin mismo?
Bakit nga ba sa tuwing may mali, kung sino sino ang tinuturo nating may sala? Gusto natin ng pagbabago, pero wala tayong ginagawa para makamtan ito. Karamihan sa atin ay nakadepende lang sa gobyerno. Hindi ba magandang magsimula muna sa mga sarili natin ang pagbabago?
"Ano ang talino kung walang disiplina? Ano ang gamit ng mapagkukunang-yaman kung walang kaayusan? May iba na kaunti ang biyaya kesa satin, mas malayo ang narating. Kaya natin manguna. Ang kailangan lang ay DISIPLINA."
Sang-ayon ako dito. Kaya walang asenso, dahil hindi disiplinado. Kung tutuusin, madami tayong likas na yaman, pero ano ang ginawa ng iba dito? Inabuso at ginamit sa maling pamamaraan sa halip na pagyamanin at pakinabangan ng nakakarami. Isama na natin dito ang mga taong walang pagmamahal sa sariling bayan. Mga kapwa natin Pilipino na nakarating lang sa ibang bansa ay akala mo na kung sino. Sa halip na tumulong sila para iangat ang bansa, ay sila pa mismo ang nagbabagsak dito.
Magandang irekomenda ang librong ito para mabasa ng mga kabataan at kapwa Pilipino para mamulat ang kaisipan. Nang sa ganon ay maging paki-pakinabang at maging isang huwaran. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na uunlad din tayo. NASA ATING MGA KAMAY ANG ASENSO, KUNG MAGTUTULUNGAN LANG TAYO
☆☆☆☆☆
No comments:
Post a Comment