Saturday, November 10, 2012

Suring Aklat: ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong

Bakit namamalo si Miss Uyehara?
May mga notebook bang lumilipad?
Bakit masakit sa ulo ang Mafhemafics?
Ano ang lihim sa likod ng pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi?
Bakit may mga taong nakapikit sa litrato?
Masarap ba ang Africhado?
Sino si Tigang?
Bakit may mga classroom na kulang ang upuan?
Masama bang mag-isip nang malalim habang naglalakad?
Saan ang Ganges River sa Pilipinas?
Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid?
Sino ang webmaster ng bobongpinoy sa Internet? (Goodreads)

Ang Aking Rebyu:  
Eto ang pangalawang libro ni Bob Ong na nabasa ko. Matagal ko ng nakikita sa mga bookstore ang librong ito, pero ngayon ko lang naisipang basahin. Maganda naman ang mga kwentong chalk ni Bob Ong. Dito nia ibinahagi ang karanasan niya noong nagaaral pa cia hanggang sa makapagtapos at maging isang guro. 

Napapangiti ako habang binabasa ko ang mga kwento ni Bob. Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga karanasan ko nung ako ay nag-aaral pa. Naka relate ako sa ibang kwento nia. "May mga notebook bang lumilipad?" tanong nia. Isang malaking OO ang sagot ko dito. Dahil minsan isang araw, lumipad na din ang notebook naming magkakaklase. 

Nakakaaliw basahin ang librong ito dahil totoo naman ang mga nakasulat. Makakarelate ka talaga dahil gawain talaga yan ng mga estudyante. Lalo na yung kwento nia nung tumuntong siya ng kolehiyo. Masasabi ko na kahit yung iba ay dumaan sa ganung karanasan, dahil may mga kakilala ako na dumating sa punto na nawalan din ng ganang mag-aral, pero sa huli muling nagsimula at nakapagtapos din naman.

Ano ang natutunan ko sa pagbabasa ng librong ito? Ang pagpapahalaga sa edukasyon at sa mga guro na naghihirap sa pagtuturo.

☆☆☆☆



No comments:

Post a Comment