Sunday, December 09, 2012

Suring Aklat: Luha ng Buwaya ni Amado Hernandez

Eto ang unang nobela ni Ka Amado na nabasa ko. Hindi ko inasahan na magugustuhan ko ang istorya kaya naman sa umpisa pa lang ay hinuhulaan ko na ang magiging katapusan ng kwento. Nagkamali ako sa hula ko.

Bihira sa akin na maapektuhan sa mga binabasa ko. Hindi ko inakala na madadala ako sa bawat tagpo sa nobelang ito. Nandyan ang nakikitawa ako sa mga biruan ng magbubukid, tumangis sa pagkamatay ng asawa ni
Hulyan, nagalit dahil kay Don Severo at Donya Leona, nainis kay Dislaw,kinabahan dahil kay Bandong at Pina at nakiiyak at nasiyahan sa nangyari sa pamilya ni Andres at mga kasamahan nilang iskwater.


Nagustuhan ko ang twist sa nobelang ito. May mga rebelasyon at pangyayaring hindi mo inaasahan. Ang ilan sa mga nagustuhan kong eksena ay ng magpunta si Andres at Sepa sa bahay ni Ba Inte at natuklasan nila ang isang napakahalagang bagay na nagpabago sa kanilang katayuan sa buhay. Kagaya nilang mag-asawa ako ay naiyak din sa kasiyahan. Ang isa pang tagpo na nagustuhan ko ay nang magpunta si Dislaw sa bahay nila Pina ng minsang maiwang mag-isa sa bahay ang dalaga. Kinabahan ako sa tagpong iyon, naramdaman ko ang takot ni Pina.

Minsan, sadyang mapaglaro ang tadhana. Natuwa ako sa katapusan ng kwento. Higit na maganda kesa sa inaasahan ko. Patunay lang na maalam ang Diyos. Hindi Niya pinapabayaan ang mga taong patuloy na nananalig sa Kanya. Meron Siyang plano para sa ating lahat. Minsan ay dumadaan tayo sa mga pagsubok pero ito ang magpapatatag sa atin. Ito ang nagiging susi para pagbutihan natin at lalong magsikap para mapag-tagumpayan natin ito.

Dahil din dito ay mas lalo akong naniwala sa karma. Kung nagpakita ka ng kabutihang loob, kabutihan at pagmamahal ang isusukli sayo. Ngunit kung kasamaan naman ay ganun din ang babalik sayo.


Nawa'y maging halimbawa ang nobelang ito sa ating panahon ngayon. Sa mga mayayamang
milupa at mga tauhang nagtatrabaho para sa kanila.


☆☆☆☆☆

No comments:

Post a Comment